Travel news partnerships Kwento sa likod ng aming Vacation Photos

All articles

Kwento sa likod ng aming Vacation Photos

Maghanda na para sa isang malaking bakasyong engrande! Kasama ang Pexels, tahanan ng milyun-milyong magagandang photostack, hinahatid naming ang isang kumpetisyon sa pagkuha ng litrato.

Pinaaga ng Pexals ang pasko ngayong taon sa kanilang Pexelpalooza Giveaway na sinimulan noong ika-1 ng Disyembre. Makikisali ang Skyscanner sa pamimigay ng papremyo kasama ang mga eksperto, Polaroid Originals at Fujifilm. Iaanunsiyo ang kumpetisyton ng Skyscanner sa ika-24 ng Disyembre (kasama ang detalye ng aming mystery travel prize) kaya manatiling nakaabang.

Syempre bago pa man kayo magpakitang gilas, ang mga tao sa Skyscanner muna! Sila’y mahilig rin bumiyahe at magagaling kumuha ng mga larawan- para ipunin ang mga alaala, magpakadalumhasa sa pagkuha ng litrato, o para lang inggitin tayo. Heto ang ilan sa mga pinakaangat sa aming mga nakuha pati na rin ang mga kwento sa likod nila.

Laurie, Associate Product Manager

Bumisita yung kapatid ko habang nagtatrabaho ako sa Valencia. Inikot namin ang City of Arts and Sciences at maswerta ako na nakunan ko ang paglubog ng araw sa likod ng siyudad noong araw na iyon. Isa itong importanteng panahon sa buhay ko, dahil dito mas pinahalagahan ko ang aking “love of travel” lalo na ang pagbisita sa mga bagong lugar. Noong bata pa ako, isinawalang bahala ko ang pagtira sa iba’t-ibang bansa at kung gaano kalaking oportunidad ito. Itong “love of travel” ito ang nagudyok sa akin na mag-apply sa Skyscanner.

Judson, Senior Design Manager

Nung nasa Mexico kami ay bumisita sa kami Tulum archeological site at na sa kubo malapit sa pasukan nang may mabalahibong hayop ang gumapang palabas sa gubat, ito’y nagbukas ng drawer at nagsimulang kumuha ng mga tortilla para kainin. Halatang inilagay ito ng isang manggagawa dito, pero isa parin itong masayang pangyayari dahil hindi namin alam ng aking asawa kung anong hayop na ito. Isa pala itong tejon, mula sa pamilya ng mga racoon. Sa pagbisita lang sa iba’t ibang lugar ka makakakita ng mga hayop na di mo alam!

Oli, Senior User Research Manager

Kinunan ko itong litrato matapos ang walong na oras na biyahe paikot sa Death Valley sa California at mga national park ng Mojave. Nasa dulo na ito ng aming tatlong linggong roadtrip sa West Coast ng America para makita ang mga pinakamagagandang tanawin na pinalad kaming makita. Itinabi namin ang sasakyan para magpahinga at tumingala sa napakalawak na kalangitan. Kung magkakaroon kayo ng pagkakataong humiga sa hood ng isang matingkad na dilaw na Camaro na may 455 break horse power sa isang maaliwalas na gabi ng summer sa Mojave desert, subukan niyo rin ito!

Eileen, Senior Designer

Napadaan kami sa di mataong beach na ito sa Oudekraal Nature Reserve, isang parte ng Table Mountain National Park. Nalaman namin na dito pumupunta para magsaya ang mga taga-rito tuwing summer hanggang sa nagkaroon ng pagbabawal dahil sa Apartheid.

Namangha kami sa kagandahan at katahimikan, at natuwa dahil nasolo namin ang lugar. Ngunit naisip din na di kami malaya kaming nakakapasok dito dahil sa aming kulay na hindi naman dapat. Dahil saan mang parte ng mundo, hindi dapat kulay mo ang magdidikta kung saan ka pwede or di pwedeng magsaya.

Andrei, Software Engineer

Nasa Bordeux ako noong 2018 upang bumisita sa isang kaibigan. Isang kasiyahan ang bumungad sa pagdating ko sa munting syudad. Nang nagsimula na ang mga tagaroon na umawit ng “Andy, dis moi oui” (Andy, tell me yes) sa amin ito na ang aking hudyat para matulog. Noong sumunod na araw kumain kami ng mga masarap na croissant, nagtawanan, at nagsalita ng bali-balikong French. Kinunan ko ito doon sa mahanging tabing-ilog kung saan naglalaro ang mga bata sa tubing habang nagda-dance lessons naman ang mga tao sa maaliwalas na simoy ng hangin ng summer.

George, Software Engineer

Ang mga oxpecker ay kumakain lamang nga mga ectoparasite gaya ng mga garapata sa likod ng mga malalaking hayop.

Kalmado lang nakumakain ng mahahabang damo ang impalang ito habang nakaangkas ang kaibigan niyang ibon sa kanya. Lahat ng bagay sa Pilanesburg ay kamangha-mangha sa ganda, dahil hindi ito kasinglawak ng Kruger mas mapapalapit ka sa wildlife. Isang totoong karangalan ang makita ang mga hayop ng malapitan sa kanilang natural na tahanan, mapapaisip ka na dapat nga talagang pahalagahan ang inang kalikasan.

Jenna, Corporate Travel Manager

Pumunta ako sa isang hotel sa Panama at napakaganda ng pool at skyline doon. Alam kong kailangan kong subukang kunan ito ng litrato. Ang problema, mag-isa lang ako na bumyahe kaya paano ko iyon gagawin? Nagising akong maaga para siguraduhin na walang tao sa pool at doon na ako nagsimula. Ipinwesto ko ang aking tripod at camera sa may balcony sa mas mataas na level ng hotel, pinindot ko ang “shutter”, at kumaripas papuntang pool para pumasok sa kuha. Ilang ulit ko itong ginawa at medyo nahapo ako sa bandang dulo. Pero sa tingin ko sulit naman ang pagod at lagi akong napapangiti kapag naaalala ko ito!

Shaun, Senior Software Engineer

Naboboryo ako at ilang linggo pa dapat bago ako magsimulang magtrabaho sa Skyscanner. Gusto namin ng partner ko lumayo muna kaya bumyahe kami papuntang New Zealand, rumenta ng sasakyan at nagdrive mula Paihia papuntang Wellington. Habang nagmamaneho nakakita kami ng sign para sa lugas na tinatawag na “Rainbow Falls”- pwede ba naming palagpasin lang iyon? May malakas na pagulan kaya medyo mahirap ang daan papunta pero sulit na sulit para sa magandang tanawin. Madami pa kaming magagandang lugar na napuntahan sa biyaheng iyon pero minsan, ang mga pinakamagandang bagay ay aksidenteng natatagpuan. 

Daniel, Senior Software Engineer

Ang litratong ito ay kinunan sa Salkantay Pass. Kahit ang 12 mm wide-angle lens na ginamit ko ay di kinayang kunan ang sobrang lawak na lugar. Ito ay bago magsimula ang matarik na bahagi ng paglalakbay papunta sa taas na 4,630 m.a.s.l., kunga saan kaunti lang ang oxygen. May biglang sumigaw ng “mules!” mula sa likod, isang pahiwatig na paraanin itong mga porters! Pagkatapos ay lumingon ako sa likod at nakita itong ginintuan at berdeng libis sa kabuohan. Mga puting ulap na iniikutan ang bundok, at malayo ang matatanaw sa daan nag tinahak namin. Kung mailalarawan ang aming naramdaman sa isang salita, ito’y kapayapaan.

Andres, Marketing Executive

Habang bumubisita sa isang kaibigan, nagkaroon ako ng pagkakataong malibot ang kahanga-hangang bayang ng Groningen. Sa kabila ng klima nito, nakakatuwang mapalibutan ng pambihira nitong arkitektura at ng kanilang sikat na mga canal. Pumunta kami sa Reitdiephaven ng naka-bike para makita ang mga makulay na bahay na nagpapaaliwalas ng paligid. Kinunan ko itong litrato sa mga huling oras ng liwanag kung saan tumagos ang kulay orange na liwanag sa mga ulap ng bagyo. Naroon ako, payapang nakaupo sa tamang sandali at sa tamang oras. Bawat lugar ay mayroong maipagmamalaki, at sigurado ako, ang Reitdiephaven ang hiyas ng Groningen.

Will, Senior Designer

 Matagal ko nang gustong kunan mula sa ere ang kamangha-manghang lungsod ng Barcelona. Ang mahahaba at tuwid na mga daan na may maayos na grid pattern ay pinupuno ang puso ng isang designer na katulad ko ng kasiyahan.

Di nagtagal matapos akong magtrabaho para sa Skyscanner, nagkaroon ng isang global design summit sa Barcelona para simulan ang aming rebrand project. Nagising ako pagsikat ng araw para kunan ang umagang parte ng litrato, tapos bumalik ako sa parehong pwesto noong malalim na ang gabi para sa kabilang bahagi. Matinding pagpaplano ang kinailangan pero nagawa kong makunan ang parehong anggulo sa magkaibang oras kaya nagawa ko itong natatanging view ng lungsod.

Kate, Marketing Manager

Bago ako magtrabaho para sa Skyscanner nagbakasyon ako ng mag-isa sa Indonesia. Dahil mahilig ako sa outdoor activities, di ko palalampasin ang umakyat sa Mount Batur- isang aktibong bulkan at isa sa mga pinakamagandang lugar sa Bali. Nagsimula kaming umakyat ng 4 ng umaga at inabot kami ng 2 oras para marating ang tuktok.

Madilim pa nang magsimula kami at ilaw lang galing sa aming mga flashlight ang aming gabay sa paglalakad. Noong magsimulang magbukang liwayway sulit na sulit ang aming pagod! Naging bughaw ang itim na kalangitan hanggang sa naging orange at nakita namin ang mga bundok at bulkan sa paligid. Ang bukang liwayway na nakita ko sa tuktok ng Mount Batur ang isa sa mga pinakamagandang tanawin.

Ellen, Copywriter

Bumisita ako sa summer house ng pamilya ng boyfriend ko sa Sandefjord, Norway. Matapos ang gulat sa kalayuan at kawalan ng signal dito, di nagtagal ay nasanay na din ako. Isang madaling araw, dahil nahirapan akong makatulog sa nakabibinging katahimikan, nauna akong magising at bumangon daladala ang aking camera papunta sa dalampasigan. Noong makarating ako roon naisip ko agad na kailangan kong kunan itong sandaling ito. Naghagis ako ng maliit na bato at kumuha ng litrato. Matapos iyon ay naupo ako at nagnilay-nilay hanggang sa magising ang iba ko pang kasama. Walang ingay doon. Walang anumang gumagalaw. Iyon ang tunay na katahimikan.

Nainspire ka ba?

Sumali na sa aming competition at ishare ang iyong mga pinakamagagandang kuha. Maari ka pang manalo ng aming mga misteryong papremyo.

Di na kami makapaghintay na makita ang inyong mga gawa.