May mga opsyon ka para sa mas mababang emission
Tungkulin naming magbahagi ng walang-kinikilingang impormasyon sa mga biyahero para makatulong sa paggawa nila ng matalinong desisyon. Bilang bahagi ng pangakong ito, naniniwala kaming mahalagang magbahagi ng impormasyon tungkol sa epekto ng mga flight sa kapaligiran. Kapag naghanap ka, malalaman mo kung aling mga flight ang nagbubuga ng 6% mas kaunting CO2e kaysa sa karaniwang flight para sa rutang iyon.
Pinagbubuklod ang industriya ng pagbiyahe
Ipinagmamalaki ng Skyscanner na maging isa sa mga founding partner ng Travalyst, isang non-profit na organisasyon na nagbibigay ng kakayahan sa mga biyahero at sa industriya na gumawa ng mas magagandang mapagpipilian para sa kanilang sarili at sa planeta. Kabilang dito ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa pagbiyahe, tulad ng Amadeus, Booking.com, Expedia Group, Google, Travelport, Trip.com Group, TripAdvisor, at Visa. Sama-sama naming sinisikap na tulungan ang industriya at mga consumer na gumawa ng mga mas sustainable na desisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas tumpak na impormasyon tungkol sa sustainability nang naka-scale. Isa sa mga paraan kung paano namin ito ginagawa ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa sinumang nagbu-book ng biyahe ng pangkalahatang access sa malinaw, hindi pabago-bago, at mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa kanilang mga mapagpipilian sa pagbiyahe, sa mga platform na alam at pinagkakatiwalaan na nila. Sa pagkolekta, pagbabahagi, at pag-publish ng hindi pabago-bagong impormasyon tungkol sa sustainability nang naka-scale, nakakatulong kami sa mga tao na tuklasin ang ating mundo sa paraang nagbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa mga tao, mga lugar, at sa planeta—para sa mga susunod pang henerasyon.
Pagkakaroon ng sariling pananagutan
Nakatuon kaming gawin ang lahat ng aming makakaya bilang isang pandaigdigang negosyo para bawasan ang sarili naming carbon footprint. Isa kaming founding signatory ng Glasgow Declaration for Climate Action in Tourism sa COP26, kung saan iuulat namin taon-taon ang pag-usad namin tungo sa Net Zero. Una naming inilathala ang aming Plano para sa Aksyon sa Klima noong Hunyo 2023 at makikita mo ang pinakabago naming update dito:
