Mahalaga ang paraan kung paano tayo bumibiyahe

Puwedeng magkaroon ng positibong epekto ang pagbibiyahe sa ating buhay, bumibiyahe man tayo para sa isang pambihirang adventure, biglaang mini-break, o reunion kasama ng pamilya at mga kaibigan. Natutuwa kaming lumalabas ka at nagsasaya.

Hindi maitatanggi ang mga benepisyong maidudulot ng pagbibiyahe. Pero hindi rin namin puwedeng balewalain ang mga hamon sa pagbibiyahe. Mahalang isaalang-alang kung paano tayo bumibiyahe, at pag-isipan ang mga paraan para bawasan ang ating mga emission para sa kapakanan ng planeta. Mahalaga rin ito para matiyak na may mga lugar pa ring puwedeng i-explore ang susunod na henerasyon.

Mga Emission ng CO2

Hindi maitatanggi na gumagamit ng fuel ang mga makina ng eroplano na nagbubuga ng carbon dioxide (CO2). Nag-aambag ito sa global warming. Kapag mas madalas tayong mag-eroplano, mas maraming CO2 at iba pang greenhouse gas ang napupunta sa atmosphere. Pero mas kaunti ang emission ng ilang flight kumpara sa iba pa.

Para tulungan kang gumawa ng matalinong desisyon, nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa mga emission sa lifecycle ng iyong flight, na isinasaad bilang numerong kumakatawan sa CO2e. Tumutukoy ang CO2e sa CO2 equivalent, isang panukat na ginagamit para maghambing ng mga emission mula sa mga greenhouse gas batay sa potensyal ng mga itong makaambag sa global warming, sa pamamagitan ng pag-convert ng dami ng iba pang gas sa katumbas na dami ng carbon dioxide na may parehong potensyal na makaambag sa global warming. Kapag kinakalkula ang CO2e para sa isang flight, hindi lang ang mga emission mula sa fuel na ginamit sa flight ang isinasaalang-alang kundi pati ang mga emission mula sa paggawa at pagbibiyahe ng fuel.

Isasaad namin sa iyo kung alin sa mga opsyong flight ang may emission sa lifecycle na mas mababa nang kahit 6% kaysa sa karaniwang flight sa rutang iyon. Tumutukoy ang “karaniwang” flight sa median ng lahat ng petsa at available na flight para sa rutang iyon. Kaya kung walang nakasaad na flight na may mas mababang emission kapag naghahanap ka, malamang na walang available na ganoon sa napili mong araw.

Posible rin namang maraming flight ang may mas kaunting emission kaysa sa karaniwan sa isang partikular na araw. Karaniwang direktang flight ang pinakamagandang opsyon para sa napili mong ruta. Pero sa mga pambihirang sitwasyon, posible ring may mas mababang emission kaysa sa karaniwan ang hindi direktang opsyon. Halimbawa, fuel-efficient ang mga eroplano sa dalawang flight. Hindi kami naghahambing sa iba pang paraan ng transportasyon. Kaya naman, posibleng may iba pang opsyon para sa ruta mo na may mas mababang emission gaya ng mga tren.

Paano kinakalkula ang mga emission?

Pinapatakbo ng pinakabagong bersyon ng Travel Impact Model (TIM) ang impormasyon ng mga emission ng Skyscanner, na ginagamit ang data na ibinibigay ng isa o higit pa sa mga Coalition Partner ng Travalyst. Ang Travalyst ay isang non-profit organization na sinusubukang bumuo ng mas sustainable na kinabukasan para sa pagbibiyahe, na pinapadali ang paghahambing ng mga credential sa sustainability sa loob ng industriya ng pagbibiyahe. Binuo ang TIM para gawin ito para sa pagbibiyahe sa himpapawid, at layunin nito i-standardize ang impormasyon tungkol sa mga carbon emission para sa mga flight at gawing mas transparent ang mga ito. Pumunta sa Travalyst para alamin pa kung ano ang proseso nito. Alam naming posibleng nakakalito ang mga emission, at hindi nakakatulong kapag may iba't ibang pinagkukunan ng data sa mga paborito mong site sa pagbibiyahe. Kaya naman nakatuon ang lahat ng partner ng Travalyst, na kumakatawan sa marami sa pinakamalalaking online platform sa pagbibiyahe sa buong mundo, na mag-onboard sa TIM—kaya makakakita ka na mula ngayon ng magkakaparehong impormasyon ng emission saan mo man piniling maghanap.

Isinasaalang-alang ng modelo ang mga salik gaya ng uri ng aircraft at bilang at class ng mga upuan.

Kinakalkula ang mga emission sa lifecycle ng kabuuang flight gamit ang impormasyon gaya ng distansya mula sa panggagalingang airport papunta sa destinasyon, dagdag pa ang mga emission mula sa paggawa at pagbibiyahe ng fuel. Pagkatapos, hinahati ang kabuuan sa tinatayang bilang ng mga pasahero sa bawat class para makuha ang CO2e figure kada biyahero.

Naka-flag bilang may mas mababang emission sa mga resulta ng paghahanap sa Skyscanner ang mga flight na nagbubuga ng kahit 6% mas mababang emission kaysa sa karaniwang flight sa nasabing ruta.

Bibiyahe sakay ng tren

Gumagawa ng mga mas kaunting emission ang mga tren kaysa sa mga flight para sa isang paglalakbay na may parehong distansya dahil mas kaunting gasolina ang sinusunog ng mga ito para sa bawat pasahero. Pinapatakbo ang ilang tren ng renewable na kuryente, na lalo pang nagpapababa sa mga emission. Sa Skyscanner, alam naming priyoridad ng marami ang pagkakaroon ng sustainability at idinisenyo ang aming platform para tulungan kang mahanap ang angkop na opsyon sa pagbibiyahe batay sa ilang pamantayan gaya ng presyo, oras, lokasyon, at mga mas mababang emission. Kaya naman sinusubukan namin ngayon na mag-alok ng mga opsyon na sumakay sa tren sa aming mga resulta ng paghahanap sa ilang bansa.

Paano tayo bumibiyahe

Sineseryoso rin namin ang aming pagbibiyahe. Isa kaming pandaigdigang kompanya na may mga tanggapan sa Europe, North America, at Asia. Nauunawaan namin ang kahalagahan ng mahusay na komunikasyon. Kaya naman ibinibigay namin sa aming mga kawani ang lahat ng tool na kailangan nila para maayos na makapagtrabaho kasama ang isa't isa nang remote. Hinihikayat namin ang mga kawani na gumamit ng video conferencing kung maaari, pero mahalaga ang mga personal na pagpupulong kung minsan. Kaya nakipag-partner kami sa SkyNRG para bumili ng Sustainable Aviation Fuel sa pamamagitan ng programang Board Now bilang bahagi ng aming pagsisikap na magbawas ng carbon.

Ang aming Climate Action Plan

Para matuto pa tungkol sa aming pagsisikap para makamit ang net zero, puwede mong i-explore ang aming Climate Action Plan dito

Mga Site na Internasyonal